Bugtong at Salawikain

Mga Salawikain

Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.

Ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kumakapit.

Kung hindi ukol, hindi bubukol.

Pag binato ka ng bato, tinapay ang iganti mo.

Kapag maigsi ang kumot, magtiis mamaluktot.

Mahuli man at magaling, naihahabol din.

Laging nasa huli ang pagsisisi.

Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Aanhin mo ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago; mabuti pa ang bahay kubo ang nakatira ay tao.

Tikatikatik man kung panay ang ulan, malalim mang ilog ay mapapaapaw.

Ubus-ubos biyaya, maya-maya ay nakatunganga.

Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.

Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa oras ng kagipitan.

Ang pag-aasawa ay hindi biro, ‘di tulad ng kanin Iluluwa lung mapaso.

Kung gaano kataas ang lipad gayon din ang lagapak pag bagsak.

Kapag ang ilog ay matahimik, asahan mo at malalim. Kapag ang ilog ay maingay, asahan mo at mababaw.

Ang utang ay utang, hindi dapat kaimutan.

Ang iyong hiniram, isauli o palitan. Upang sa susunod, hindi ka makadalaan.

Sala sa lamit, sala sa init.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: