Ipinaskil ni: alayguhit | Pebrero 24, 2007

Ang website na ito ay para sa mga batang Pilipino na naninirahan dito sa ating bansa at sa iba’t ibang dako ng mundo.

Ito ay para sa mga magulang, kapatid, apo, pinsan, kaibigan o kamag anak na malayo sa ating piling. Naniniwala ako na kayang paglapitin ng mga kwento, tula, kanta t iba pa ang ating distansya.

Samahan nyo kaming tuklasin ang ganda at yaman ng ating namanang panitikan, sining at kultura sa pamamagitan ng palitan ng kuru-kuro, kwentuhan atbp.

Mga Kategoriya