Atbp

sari sari, orihinal na komposisyon

ISANG Tula

Pangarap at Dasal.

Noong ako’y isang paslit pa, kay dami akong pangarap, ngunit ito’y lunod sa aking paglalaro!

Sa elementarya, hayskul, at kolehiyo ito’y nadag-dagan pa, ngunit ito’y lunod sa aking kahirapan!

Sa aking pagtanda, marami na pala ang natupad sa aking pangarap, ngunit ito’y lunod sa aking makalupang pangahahangad…

Sa aking pagpapanaw, ang aking pangarap ngayo’y dasal , akoy masagip sa aking pakalunod ng ating Panginoon Maykapal

Gawa at Pangarap ni Arni

%d bloggers like this: